Mahigit 500 ngipin na nasa tumor o bukol ang nakuha ng mga duktor sa loob ng bibig ng isang pitong-taong-gulang na batang lalaki sa Chennai, India.

Sa ulat ng Reuters, sinabi ni Senthilnathan P.,  duktor sa Saveetha Dental College and Hospital, na may timbang na 200 gram (seven ounce) ang bukol na nakuha sa lower right jaw ng bata nang operahan.

 

(Larawan mula sa Reuters)

“He had come to us complaining about a swelling in his jaw,” ayon kay Senthilnathan.

Dati na raw namamaga ang naturang bahagi ng panga ng bata mula noong tatlong-taong-gulang pa lang siya.

“It was a benign tumor, which we removed and found that it was embedded with hundreds of unerupted teeth,” sabi pa ng duktor.

Hinihinala nila na pambihira at pang-global medical record ang nakuha nilang dami ng ngipin sa bata na umabot sa 526.

“The boy recovered very well and got discharged in three days,” dagdag ng duktor.

Ang tumor na may unerupted teeth ay karaniwan umanong genetic condition.-- Reuter/FRJ, GMA News