Sa kagustuhang gumanda, tatlong magkakaibigang beki sa Basilan ang napapayag na magparetorke ng mukha sa halagang P500 lang. Ang inakala nilang sa class A silicon oil na ituturok sa kanilang mukha bilang fillers, baby oil lang pala.

Sa mga unang araw, maganda naman daw ang naging resulta. Pero pagkalipas nito, unti-unti nang nagbabago ang kanilang hitsura hanggang sa katakutan na sila at tuksuhin na mga mukhang mangkukulam.

Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," ang sinapit nina Bea, Marimar at Jolina, at kung may pag-asa pa kayang maayos at maibalik sa dati ang kani-kanilang mukha. Panoorin.

Click here for more GMA Public Affairs videos:

--FRJ, GMA News