Isang dambuhalang lapu-lapu ang nahuli ng mangingisda sa Tandubas, Tawi-tawi.

Ayon kay YouScooper Lerieal Joe, kamag-anak ng mangingisdang nakahuli sa isda, umabot umano ang bigat ng lapu-lapu sa halos 250 kilo na nahuli nitong Lunes.

Sa ulat ng GMA News TV "Balita Pilipinas," sinabi umano ng mangingisda na kadalasang pinakamabigat na nahuhuli nilang lapu-lapu ay nasa sampung kilo lang ang bigat.


Noong nakaraang taon, iniulat naman na isang dambulahalang pusit ang nahuli ng isang mangingisda sa karagatang sakop ng Sibutu sa Tawi-tawi  rin.

READ: Dambuhalang pusit, nahuli sa Tawi-tawi

Pero bukod sa malalaking isda, mayroon din dambuhalang buwaya na nahuli rin sa Tawi-tawi sa bayan ng Simunul.

KMJS': Pag-aligid sa mga bahay ng dambuhalang buwaya sa Tawi-tawi, hindi kaagad pinaniwalaan. --FRJ, GMA News