Naglagay ng mga bagong Filipino words ang Oxford English Dictionary (OED) na kinabibilangan ng salitang "Bongga" at "Trapo."
Ipinaliwanag ng OED ang "bongga," na "extravagant, flamboyant; impressive, stylish."
Samantalang ang "Trapo," na "politician perceived as belonging to a conventional and corrupt ruling class."
Nasa mahigit 1,400 na iba't ibang mga bagong salita ang idinagdag ng OED nitong October 2018.
Kasama rin sa bagong pasok sa OED na galing sa Pilipinas ang mga salitang bagoong, bihon, calamansi, carinderia, ensaimada, palay, panciteria, sorbetes, at turon.
Naunang isinama sa naturang diksyunaryo ang mga salitang Pinoy na kilig, teleserye, at barkada.— FRJ, GMA News