Nagsimula sa inakalang tsismis, nagulantang ang mga residente sa isang komunidad na naninirahan sa ibabaw ng tubig sa Simunul, Tawi-tawi nang mahuli na ang isang dambuhalang buwaya na ilang araw na palang umaaligid sa kanilang lugar.
Sa episode ng programang "Kapuso Mo, Jessica Soho" nitong Linggo, ikinuwento ng mga mangingisda kung papaano nila nakita at nahuli ang buwaya na may habang halos 17 talampakan at bigat na 600 kilo.
Sa ngayon, nasa isang ligtas na lugar at atrasyon na ngayon ang buwaya na pinangalanang "Papa Buls," na hango sa pangalan ng isa sa mga mangingisda na nakahuli rito.
Ayon sa mga dalubhasa, si "Papa Buls," tulad ng dambuhalang si "Long", ay isang salt water crocodile na maaaring lumaki ng hanggang 30 talampalakan.
Panoorin ang ginawang pagtutok ng "KMJS" kung bakit kaya napadpad ang buwaya sa komunidad ng mga tao at kung papaano nagbayanihan ang mga mangingisda para mahuli nila ito:
Click here for more GMA Public Affairs videos:
--FRJ, GMA News