Dahil sa bisikleta, nakalimutan ng isang lalaki ang kaniyang briefcase sa ilalim ng puno na may lamang pera at 22 gold bars na tumitimbang na isang kilo sa Berlin.
Sa ulat ng Reuters, sinabing 3,500 euros o mahigit $4,000 ang perang laman ng briefcase at tinatayang nagkakahalaga naman ng 30,000 euros o mahigit $35,000 ang mga ginto.
Naiwan umano ang briefcase sa ilalim ng puno na nasa labas ng isang bangko sa Neukoelln district, na isa sa mga pinakamahirap na lugar sa Berlin.
Pero suwerte ng may-ari ng briefcase dahil isang tapat na tao ang nakakita rito at dinala sa police station.
Nahanap naman ang may-ari ng briefcase at sinabing ibinaba niya ang briefcase sa ilalim ng puno at nakalimutan na nang ikadena niya ang kaniyang bisikleta.
Ipinost naman ng mga pulis sa Twitter ang pambihirang pangyayari.
"Amazing what you can find under a tree in Neukoelln," ayon sa tweet. "An honest finder turned in the briefcase with 3,500 euros and gold to our station."
Was in #Neukölln so alles unterm Baum liegt...
— Polizei Berlin (@polizeiberlin) July 27, 2017
Ehrlicher Finder gibt Dokumentenmappe mit 3500€ und Gold auf unserem #A55 ab.#Fundbüro
^tsm pic.twitter.com/L7drjlOWWC
-- FRJ, GMA News