Nasawi ang isang lalaking trabahador matapos siyang makuryente habang nagwe-welding sa pinagtatrabahuhan niyang sidecar at garong shop sa San Carlos, Pangasinan.
Sa ulat ni Glam Calicdan-Dizon ng GMA Regional TV sa Balitanghali nitong Miyerkoles, sinabing naganap ang insidente Sabado ng hapon kung saan nakuryente ang biktimang kinilalang si Vicente de Guzman.
Nadikit umano ang biktima sa ginamit na aparato.
Dead on arrival siya sa ospital.
Ayon sa pulisya, aksidente at walang foul play na nangyari sa pagkamatay ng biktima.
Nagkaareglo ang may-ari ng shop at ang naulilang kaanak ng biktima. — Jamil Santos/VBL, GMA Integrated News