Simula sa Martes, October 29, 2024, magiging P90 milyon ang minimum jackpot prize sa major lotto games bilang selebrasyon sa 90th anniversary Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).
Sa "Anniversa-Regalo," magsisimula sa P90 milyon ang premyo sa Lotto 6/42, SuperLotto 6/49, at UltraLotto 6/58, sa October 29, at sa MegaLotto 6/45 at GrandLotto 6/55 sa October 30.
"We are thrilled to celebrate our 90th anniversary and express our gratitude to the players who have supported us through the years. This special promotion embodies our commitment to providing not just entertainment but also hope and assistance to our communities," ayon kay PCSO General Manager Melquiades Robles sa pahayag.
"For any games where the current jackpot exceeds P 90 million on the specified draw dates, the prize amount will remain unchanged. If the jackpot is below P 90 million, the difference will be supplemented from the PCSO’s prize fund," dagdag nito.
Ayon sa PCSO, babalik sa normal na inisyal na premyo ang lotto game kapag napanalunan na ang pinalaking lotto prize.
Nitong Linggo, October 27, napanalunan ng isang mananaya ang P321 million jackpot sa Ultra Lotto 6/58 draw.
Ang lumabas na mga numero ay 07-24-13-16-10-02, na may kabuuang premyo na P321,384,493.20.
Wala namang tumama sa kasabay nitong draw na Superlotto 6/49. Ang lumabas na mga numero ay 31-42-14-28-37-44, at may premyong P15,840,000.00 jackpot. — FRJ, GMA Integrated News