Dahil sa mga modernong teknolohiya, nagiging madali nang magmanipula ng mga video o larawan. Pero may paraan upang malaman kung "deepfake" ang napapanood o nakikita sa social media o internet.

Sa ulat ng GMA News "24 Oras" nitong Lunes, nagbigay ng ilang tips ang GMA Sparkle artist Kevin Miranda kung papaano maiispatan ang deepfake.

  •     Pagmasdang mabuti ang mukha ng larawan at mapapansin na parang may "off" sa   kurbada nito o tila masyadong malinis.
  •  Sa video naman, masdan ang mukha kung may pagkunot at pagkurap ng mata.
  •   Ganoon din ang facial hair kung tila hindi natural.
  •    Masdan kung may hindi kapani-paniwalang nunal at "matulis" ang mga kanto ng mukha.
  •   Suriin kung hindi pantay ang skin tone o kulay ng balat sa katawan at mukha.
  •  Tingnan kung sabay sa sinasabi ang buka ng bibik sa video
  •   Mayroon ding lighting differences ang deepfake video
  •  At masdan kapag may sobrang daliri.     


Ayon sa mga eksperto, ilan sa mga tips ay madali pang makita dahil hindi pa kayang napulido ng artificial intelligence.

Gayunman, ipinapayo na tingnan ang higit pa sa kalidad ng video o larawan at pag-aralan ang nilalaman at suriin ang intensyon nito para hindi maging biktima ng fake news.—FRJ, GMA Integrated News