Pinasaya ng "Kalokalike" ni Long Mejia ang madlang pipol at mga Kapuso sa "It's Showtime" sa ipinakita niyang "killer smile."

Nang ipakilala ni Vice Ganda si Ernesto mula sa Taytay, Rizal na ka-lookalike ni Long, sinabi ng TV host na marami umanong napaibig ang komedyante kahit hindi pa nagsasalita.

"Hindi pa nagsasalita 'yan gusto na, paano na kung nag-punchline pa 'yan," sabi ni Vice.

Tinanong din ni Vice si "Long" kung ano ang best asset niya, na pinalitan nang "liabilities."

Hiningan din ni Vice kalokalike ni Long na ipakita ang kaniyang killer smile pero dapat dahan-dahan.

Nang makita ni Anne Curtis ang naturang killer smile, tinawag niya na "cute" ito.

Hanggang sa mapansin ni Vhong Navarro na may isang co-host ng show na tila nadala sa killer smile ni "Long."

Alamin kung sino ang naging instant ka-loveteam ni "Long" na co-host sa "It’s Showtime," at tinawag silang "LongSy?" Panoorin ang nakatutuwang episode.-- FRJ, GMA Integrated News