Pinainit ng mga celebrity, kabilang ang Kapuso stars, ang maulan na panahon sa katatapos na Bench Fashion Week Holiday 2024 na ginanap sa Bonifacio Global City.

Kabilang sa mga rumampa at nagpakita ng naggagandahan nilang pangangatawan sina Sunshine Cruz, Max Collins, Pam Prinster, Shaira Diaz, Kelvin Miranda, at Rere Madrid. Ganoon din ang mga beauty queen na sina Krishnah Gravidez, Dia Maté, at Celeste Cortesi.

Silipin ang star-studded na fashion week sa ilang larawan mula sa Bench, Instagram.

Sa naturang Bench Fashion Week Holiday 2024, inilunsad din ni Miss Universe 2022 R’Bonney Gabriel ang kaniyang kauna-unahang fashion collection sa Pilipinas na tinawag na “How to Survive on Land and Sea.” — FRJ, GMA Integrated News