Napansin ng netizens na hindi na rin naka-follow si Paolo Contis sa Instagram account ni Yen Santos.

Naunang nag-unfollow ang aktres sa aktor, sa harap ng mga espekulasyon na may problema sa relasyon ng magkasintahan.

Naka-private na rin ang IG account ni Paolo, habang nananatiling public ang profile ni Yen pero walang siyang pina-follow.

Nitong nakaraang Mayo, napansin ng netizens ang pagbura ni Yen sa birthday message niya kay Paolo, pati ang kanilang mga larawan,

Sa isang panayam sa "24 Oras," inihayag ni Paolo na nais niyang maging personal na lang ang nangyayari sa kaniyang pribadong buhay.

“Dati fina-follow kita, dati fina-follow ko si Gorgy, in-unfollow ko rin kayong lahat, ibig sabihin ba naghihiwalay tayo lahat?” paliwanag niya.

Noong Enero 2023 nang kumpirmahin ni Paolo ang relasyon nila ni Yen. Pero itinanggi niya na ang aktres ang dahilan kaya naghiwalay sila ni LJ Reyes.

Ayon kay Paolo, na-in love siya kay Yen dahil hindi siya iniwan nito sa sakabila ng mga batikos laban sa kaniya kaugnay sa paghihiwalay nila ni LJ.

Bago ang kontrobersiya, nagkasama muna sina Yen at Paolo sa isang pelikula na may pamagat na "A Faraway Land." — FRJ, GMA Integrated News