Laking gulat ng isang lalaki na bumibiyahe sa Zamboanga nang mapansin niyang tila walang ulo ang lalaking nasa likod ng isang pickup truck na nasa unahan ng kanilang sasakyan. Isa nga ba itong masamang pangitain gaya ng paniniwala ng ibang Pinoy?
Sa ulat ng GMA Integrated Newsfeed, ipinakita ang video ng uploader na si Thomas Hofer II, na mapapansin na tila walang ulo ang lalaking naka-jacket habang nakaupo sa likod ng pickup truck.
Ayon kay Hofer, nasa biyahe sila papuntang Zamboanga Sibugay nang mag-overtake sa kanila ang pickup truck at mapansin ang lalaki sa likod nito na tila walang ulo kaya kinunan niya ng video.
"I was very shocked kaya I immediately took a video. But I'm very skeptical kasi as a man of science, it should be evidence-based," saad ni Hofer.
Umani ng magkakaibang reasksyon mula sa netizens nang i-upload niya ang video.
Kabilang naman sa mga nagkomento sa post ang isa sa mga sakay sa pickup truck at nagpaliwanag na walang dapat ikabahala o ikatakot sa kasama nilang lalaki na nasa likod ng pickup truck.
Ayon kay Ezaiah Palma, tatay niya ang lalaki at nasa loob lang ng jacket ang ulo nito.
"This is just a misunderstanding. I am one of the people there (sa pickup truck). And I am here to clarify that the person's head (my dad) is inside the jacket, covering and chilling, since the sun wasn't bearable. In short, pretty hot," paliwanag niya.
"There is no sin here, no magic, no wicked stuff, and no death-related things," dagdag pa niya.
Dahil dito, naliwanagan din si Hofer at sinabing likas lang talaga sa mga Pinoy ang pagiging mapamahiin.
Kaya dapat umanong maging mapanuri muna sa mga bagay na nakikita at tingnan ito mula sa ibang pananaw.-- FRJ, GMA Integrated News