Habang nag-iisip kung sino ang mga iboboto, maaari nang makita sa "MyKodigo" ng GMA News Online ang listahan ng mga kandidatong pagpipilian hanggang sa lokal na posisyon, tulad ng mga konsehal o sangguniang bayan.
Bukod sa makikita na ang mga kandidato, maaari ding mag-practice sa pagboto, at i-print ang mga napili sa sample ballot upang maging gabay sa araw mismo ng halalan sa Mayo 12, 2025.
Paano gamitin ang MyKodigo?
Bisitahin lang ang GMA News Online at i-click ang Eleksyon 2025 microsite na makikita sa itaas.
Kapag nasa Eleksyon 2025 microsite na, i-click naman ang MyKodigo na katabi Voter's Profile.
Kapag nasa MyKodigo na, maaaring pumili sa wikang Filipino o Ingles na magiging gabay kaugnay sa paggamit ng MyKodigo.
Dito ay kailangang pumili kung saang lalawigan ka naroroon. Kung nasa Quezon City, piliin ang National Capitol Region.
Kapag nakapili na ng lalawigan, piliin naman ang lungsod o munisipalidad na kinaroroonan, at ang distrito kung saan ka boboto.
I-click "Generate MyKodigo," para lumabas ang listahan ng mga kandidato at maaari nang simulan ang pag-ensayo kung sino ang mga nais na iboboto.
Kung sosobra ang mapiling iboboto sa partikular na posisyon, may lalabas na sumobra ang iyong boto.
Kailangan lang i-click muli ang shade sa bilog kung nais burahin ang boto.
Sa darating na eleksyon, ang mga botante sa Metro Manila o National Capital Region (NCR) ay pipili o boboto ng 12 senador, isang (1) kongresista, isang (1) alkalde, isang (1) vice-mayor, anim (6) na kasapi ng Sangguniang Panlungsod o konsehal, at isang (1) party-list.
Samantalang ang mga nasa mga lalawigan, maaaring bumoto ng 12 senador, isang (1) kongresista, isang (1) gobernador, isang (1) vice-governor, limang (5) kasapi ng Sangguniang Panlalawigan, isang (1) mayor, isang (1) vice-mayor, walong (8) kasapi ng Sangguniang Bayan, at isang (1) party-list.
Kapat napili na ang mga nais iboto, i-click ang "Submit" para magkaroon ng kopya ng sample digital ballot, na maaari ding i-print.
Paalala lang, ang MyKodigo ay hindi opisyal na aktibidad ng Commission on Elections (Comelec), at isa lang gabay para sa mga botante.
Hindi rin isi-save o gagamitin ng GMA News Online bilang datos ang magiging resulta sa inyong paggamit ng MyKodigo.
Sa darating na Mayo 12, 2025, gamitin ang inyong karapatan at maging matalino sa pagpili ng mga nais ninyong lider at magtungo sa inyong local precincts para bumoto.— FRJ, GMA Integrated News
For more Eleksyon 2025 related content and updates, visit GMA News Online's Eleksyon 2025 microsite.