Alamin ang tips ng isang feng shui expert para suwertihin umano ngayong 2024 na tinatawag na Young Wood Dragon, na isang napaka-resolute o fierce na hayop, batay sa Chinese calendar.
1. Panatilihing malinis ang kapaligiran
Sa programang “I Juander,” sinabi ng feng shui expert na si Lois Alog, na madalas na dapat gawin tuwing sasapit ang Bagong Taon ay maglinis o mag-declutter ng bahay o tinatawag na “spring cleaning.” Dapat na pinananatiling laging malinis ang kapaligiran.
2. Maglagay ng kahit na anong kulay pula sa gitna ng bahay o opisina
Ito ay para maiwasan umano ang anumang away o hindi pagkakaunawaan. Ayon kay Alog, maaaring maglagay ng pulang vase o floor mat na kulay pula.
3. Magsuot ng damit na pula at mamigay ng ampaw na may lamang pera
“Usually kapag magba-Bagong Taon we wear red because red signifies happiness,” paliwanag ni Alog.
Inihayag din ni Alog ang posibleng maganap ngayong 2024.
Ayon kay Alog, ang Illness Star ay nasa southeast, at nagkataon ding nasa southeast ang bansa.
“Sixty years ago was exactly Young Wood Dragon, and 60 years ago there was a very, very huge and major earthquake in China,” banggit ni Alog.
“It’s a clash between two earth animals this year. Dragon is a strong earth animal, the animal clashing with the dragon this year is the dog, these are both earth animals. The clash between the dog and the dragon will trigger a very strong earth-related disaster,” sabi pa ni Alog.
Ayon kay Alog, ang pananalangin pa rin ang pinakamabisang sandata sa laban kamalasan.
“We should all remember na ang feng shui is only one third, one third is coming from the man-luck, which is our own effort. And then one third from the heavens, which is ‘yung pagiging madasalin natin,” paalala niya. -- FRJ, GMA Integrated News