Nahilo ang ilang dumalo sa Simbang Gabi sa Basilica Minore del Sto. Nino sa Cebu City.
Ayon sa ulat sa Unang Balita netong Martes, anim na katao ang dinala sa clinic at napag-alamang kulang sila sa tulog o kaya'y walang laman ang tiyan.
Dagsa ang mga nanampalataya sa simbahan para makapagsimba.
Puno din ng tao ang St. Joseph Parish sa Laoag, Ilocos Norte. Pagkatapos naman ng misa ay namigay ng libreng kape at pandesal para sa mga nagsimba.
Bukod sa Pilipinas, nagdaos din ng Simbang Gabi sa United Arab Emirates. Ginawa ang misa sa bakuran ng St. Mary's Catholic Church, kung saan madaming Pinoy ang dumalo.
—VAL, GMA Integrated News