Sa episode ng "Fast Talk with Boy Abunda" nitong Lunes, tinanong ng King of Talk si Alden Richards kung nagkagusto ba siya noon kay Maine Mendoza nang mabuo ang kanilang AlDub love team?

"Yes, hypocrite po ako kung hindi," sabi ni Alden. "Ayoko pong sabihing alam niya but I did confess."

Ayon kay Alden, very grateful siya kay Maine at sa "Eat Bulaga" dahil sa mga oportunidad na dumating sa kaniya.

"Ang daming opportunities na dumating sa buhay ko because of it [AlDub]. I'm very grateful to Maine," saad ng aktor.

Sa nangyaring paghihiwalay ng AlDub, sinabi ni Alden na maituturing din itong "break-up." Gayunman, ipinaliwanag niya na hindi lahat ng break-up ay masama, masakit at malungkot.

Paliwanag ni Alden, pareho nilang kailangan ni Maine ng "growth," mag-"venture," at mag-move forward.

Kasal na ngayon si Maine sa aktor na si Arjo Atayde. (Basahin: Maine Mendoza, nag-post ng 'adventure' video nila ni Arjo Atayde matapos ang kanilang kasal)

Samantala, bida si Alden sa upcoming film na "Five Break-Ups and a Romance," kasama Julia Montes, na unang pagkakataon niyang makakatrabaho.

Sa panulat at direksyon ni Irene Villamor, mapapanood ang "Five Break-Ups and a Romance" sa mga sinehan simula sa October 18. —FRJ, GMA Integrated News