Kaya nga bang makipag-ugnayan sa mga kaluluwang ligaw gamit ang mga manika? Paano kung ang mga manika ay naglalaman diumano ng mga espiritu para magsilbing gabay sa mga tao?

Sa dokumentaryo ni Nico Waje sa programang “Brigada”, sinabing hobby ng flight attendant na si Jill Andrea Gepilano ang mangolekta ng imported dolls.

Ang mga manika ni Jill, galing pa sa United Kingdom at nagkakahalaga mula P15,000 – P20,000 ang kada piraso. Pero hindi pinaglalaruan ni Jill ang mga manika dahil ang bawat isa ay naglalaman diumano ng mga espiritu.

Kuwento ni Jill, na isa ring psychic medium, bata pa lang siya ay alam na niyang iba na siya sa kaniyang mga ka-edad.

“It started with my mother telling me stories noong bata ako na I’m not interested in playing with the other kids. I would rather play with something else. And she sees me talking to things not seen by her or others,” saad niya.

“She would see me with drawings of beings, and she could tell that maybe I’m not the one who drew them, or I was drawing something she could not figure out,” dagdag pa niya.

Dahil sa kanyang curiosity sa mga nilalang na hindi nakikita ng ordinaryong tao, napasama siya sa grupo ng mga taong may spiritual awakening.

“Nagsimula siya [noong] may problema ako sa love life tapos may pandemic. I lost my jobs. Wala kaming flights so naghihirap ako at I didn't know what to do. Tapos nagsimula na. Nagpa-reading ako kay Coco, sa astrology," sabi ni Jill.

"And I felt really seen and I felt like ‘wow hindi lang pala ako ang ganito.’ May ibang nakakaramdam same things as me, nakakita ng ganon. So, I wanted to be closer to them and then eventually Na-invite akong pumasok,” patuloy niya.

Dito na nahubog umano ni Jill ang kanyang kakayanan sa spiritual guidance sa tulong ng spirited dolls.

Ayon pa sa dalaga, ang bawat manika ay may kaniya-kaniya raw na persona base sa espiritu na nakapaloob dito.

Dagdag pa niya, matutulungan din ng mga espiritu na magabayan ang kaniyang mga kliyente.

Dagdag pa niya, matutulungan din ng mga espiritu na magabayan ang kaniyang mga kliyente.

Ano-ano nga ba ang bawat personalidad umano ng mga kaluluwa sa mga manika ni Jill, at paano niya inaalagaan ang mga spirited dolls? Panoorin ang video. --FRJ, GMA Integrated News