Nagbigay pa ng karagdagang impormasyon si Kris Aquino kaugnay sa kaniyang karamdaman, na ayon sa kaniyang duktor ay "rare and hard to treat."
Nag-upload ng video sa kaniyang Instragram account si Kris nitong Biyernes habang kinukunan siya ng swab samples.
Kasama sa video ang paliwanag ng kaniyang duktor na si Dr. Niño Gavino, na sinabi ni Kris sa caption na, “an exceptional Filipino-American doctor based in Houston who successfully diagnosed what’s really wrong with my health.”
“I’ll miss you—my friends and followers very much. Time is now my enemy, naghahabol kami hoping na wala pang permanent damage to the blood vessels leading to my heart,” sabi ni Kris.
Nakasaad sa post na natuklasan na ang sakit ni Kris ay Eosinophilic Granulomatosis with Polyangiitis o EGPA, na dating kilala bilang Churg-Strauss Syndrome.
Ang EGPA ang nagdudulot ng asthma, weight loss, gastrointestinal intolerances, at fluctuating blood pressure, na pumigil sa kaniyang makabiyahe noon.
Ayon sa post, binigyan si Kris ng steroids for treatment, pero nagkaroon ito ng hindi magandang reaksiyon sa kaniyang katawan at allergic ang aktres sa ilang gamot.
Kaya kailangang bumiyahe si Kris sa abroad para sumailalim sa Nucala (Mepolizumab), isang uri ng non-steroid EGPA treatment na sa Amerika lang mayroon, at ang isa pang gamot na Rituxan (Rituximab).
“The subsequent 9-12 months will be crucial for us to see if she can achieve remission and continue the regimen further,” saad sa post.
Sinabi rin sa post na kung walang gamutan, ang life expectancy ng may EGPA ay nasa 25%, habang ang may proper treatment ay 5-year survival rate at nasa 62%.
“Only one in every one million get this form of vasculitis per year. That is how rare and hard to treat Ms Aquino’s case is,” ayon sa post.
Inihayag ni Kris, na sinabi sa kaniya ng duktor na aabutin ng 18-24 buwan bago malaman kung epektibo ang gamot sa kaniya.
“For now and the next few years—sadly, it’s goodbye. Praying na kayanin ng katawan ko itong matinding pagsubok,” saad niya.
“Kahit 17 hours away na kami nila Kuya Josh and Bimb to fly to and the Pacific Ocean separates the [Philippines] from [US], I’d still like to end this with #lovelovelove," sabi ni Kris. – FRJ, GMA News