Binuksan na sa publiko ang pinakamahabang tulay sa mundo na salamin ang tatapakan sa Son La, Vietnam. Dahil makikita ang ibaba habang naglalakad, hindi maiwasan malula ang ibang namamasyal.
Kamakailan lang, opisyal nang kinilala ng Guinness World Record na ang Vietnam na ang may hawak ng titulong longest glass bottom bridge na dating hawak ng Guangdong, China.
Ang naturang tulay sa Vietnam na tinatawag na White Dragon Bridge ay may habang 2,073 feet.
"The now recorded longest glass bottom cliffside pathway, and it is spectacular, the engineering required to build that into the side of a cliff but maintain all the features of nature, the greenery, the rocks, is being an amazing project," sabi ni Glen Pollard, Guinness World Records Representative, sa ulat ng Reuters.
Kayang magsabay-sabay sa tulay ng 450 katao.
"I dared not to look down as I am afraid of heights. I imagined in my head what would have happen if I fell through, and it makes me too scared to keep on going," ayon sa turistang si Vi Thi Thu.
Pinag-ugnay ng tulay ang dalawang bundok na may lalim na 492 talampakan. --FRJ, GMA News