Nakaisip ng paraan ang isang driver ng "rickshaw" o bersiyon ng tricycle sa India para hindi masyadong mainitan ang kaniyang mga pasahero.
Sa ulat ng Reuters, sinabing dahil tindi ng init ng panahon sa India, naisipan ng trike driver sa New Delhi na si Mahendra Kumar, na taniman ng mga halaman ang bubungan ng kaniyang sasakyan.
Mayroong 25 uri ng halaman sa bubungan ng tricycle ni Kumar at edible, o puwedeng kainin ang ilan sa mga ito.
Dahil sa mga tanim, hindi raw direktang tumatagos sa bubungan ng tricycle ang init ng araw.
"I thought that this will provide a cooling effect during summers so, that is why I grew plants on it. People took a liking to it and told me that they felt really good. Now people often take pictures and record videos of me and my vehicle," kuwento ni Kumar.
To beat India’s sweltering summers, a New Delhi autorickshaw driver has grown a mini-garden on the three-wheeler's roof, featuring at least 25 different plants https://t.co/TCkwfaYfwV pic.twitter.com/VFVcVBCdMS
— Reuters (@Reuters) May 10, 2022
May mini-fan din si Kumar sa loob ng kaniyang sasakyan.
Aprubado naman sa mga pasaherong gaya ni Maya Bisht ang ginawa ni Kumar sa kaniyang sasakyan.
"I feel really good that he has greenery and plants atop his autorickshaw. It provides a cooling effect and this feature should stay as it will benefit us. It is sunny but these plants are keeping us cool and providing us with fresh air," pahayag ni Maya.
Nitong nakaraang Marso, naranasan ng India ang pinakamainit na panahon sa nakalipas na isang siglo, ayon sa ulat.-- Reuters/FRJ, GMA News