Naiproklama na ang mga nanalong alkalde sa Metro Manila sa katatapos lang na Eleksyon 2022.
Sa Muntinlupa, ang outgoing congressman na si Ruffy Biazon, ang uupong alkalde ng lungsod, at magiging bise alkalde niya ang kapartidong si Artemio Simundac.
Ang kasalukuyang alkalde na si Jaime Fresnedi na kasama rin ni Biazon sa partido ang papalit naman bilang kongresista.
Magsisilbi naman na unang babaeng alkalde ng Maynila ang outgoing vice mayor na si Honey Lacuna.
Ang outgoing councilor na katambal ni Lacuna na si Yul Selvo ang kaniyang magiging bise alkalde.
Papalitan ni Lacuna sa puwesto si outgong Manila mayor Isko Moreno na tumakbong presidente ng bansa pero nabigong manalo.
Sa Mandaluyong, naiproklama nang mayor si Benjamin Abalos Sr., at magiging bise alkalde niya kaniyang manugang na si Menchi Abalos.
Sa Caloocan City, uupong alkalde si Along Malapitan, kapalit ng kaniyang ama na si Oca, na nanalo namang kongresista. Magiging bise alkalde niya si Karina Teh.
Sa Quezon City, muling uupong alkalde si Joy Belmonte at ang kaniyang bise alkalde na si Gian Sotto.
Si Wes Gatchalian pa rin ang alkalde ng Valenzuela, at bise alkalde niya si Lorie Natividad-Norja.
Panalo naman si Eric Olivarez bilang alkalde sa Paranaque, at si Joan Villafuerte bilang bise alkalde.
Sa Las Pinas, nananatiling mayor si Imelda Aguilar, at bise alkalde niya si April Aguilar.
Hindi rin natinag sa kaniyang puwesto si Marikina mayor Marcy Teodoro at ang vice mayor niyang si Marion Andres.
Si Vico Sotto pa rin ang mayor na Pasig, at nanalo bilang bagong bise alkalde ang kapartido niyang si Dodot Jaworski.
Sa Makati, si Abby Binay pa rin ang magiging pinuno ng lungsod, at bise alkalde niya ang kapartidong si Minique Lagdameo.
Hindi rin natibag sa puwesto si Mayor Francis Zamora ng San Juan, at bise alkalde niyang si Warren Villa.
Si Emi Calixto-Rubiano naman ang alkalde ng Pasay City, at si Boyet Ding Del Rosario ang kaniyang bise alkalde.
Balik sa pagiging alkalde si Lani Cayetano ng Taguig, at bise alkalde niya si Arvin Alit.
Sa Navotas, si John Rey Tiangco ang uupong alkalde ng lungsod at bise alkalde niya si Tito Sanchez. Ang kapatid ni John Rey na si outgoing mayor na si Toby Tiangco ang uupong kongresista.
Nahalal naman na muling alkalde ng Pateros si Ike Ponce, at magiging bise alkalde niya si Carlo Santos.
Sa Malabon, ang dating vice mayor na si Jeannie Sandoval ang magiging bagong alkalde nito. Nanalo namang vice mayor si Ninong dela Cruz. .--FRJ, GMA News