Naging palaisipan at may kahalong pangamba sa isang pamilya sa Taguig ang pagtayo ng kanilang buhok kapag nasa isang kuwarto ng kanilang bahay.
Ikinuwento ni Jackie Lynn Joven sa "Kapuso Mo, Jessica Soho," na may mga nagpupunta ring albularyo sa kanilang bahay at sinasabing mayroon silang "nararamdaman."
Napag-alaman din na matagal nang walang nakatira sa magkabilang bahay na katabi nila.
Bukod sa pagtaas ng kanilang buhok lalo na kapag nakikiskis o nadidikit sa kumot, unan at iba pa, nagkakaramdam din sila ng "ground" kapag nadidikit sila sa isa't isa o sa bakal.
Nang i-post nila sa social media ang kanilang nararanasan, doon na may nagsabi na maaaring nakararanas sila ng "static electricity" sa kanilang bahay.
Pero ang tanong, bakit nga ba nangyayari ang pagtaas ng kanilang buhok, bakit sila naga-"ground," may peligro ba ito sa kanilang kalusugan, at posible ba itong pagmulan ng sunog.
Upang malaman ang mga sagot, isang physicist ang nagtungo sa bahay ng mga Joven, upang ipaliwanag ang nangyayari at ano ang kanilang puwedeng gawin para mabawasan ang "static electricity."
Panoorin ang buong kuwento sa video ng "KMJS."
--FRJ, GMA News