Sa programang "Mars Pa More," tinanong ang Kapuso chef na si Jose Sarasola na kung may wish siya na gustong matupad, ano ang pipiliin niya: Ang magka-asawa o magka-Ozawa?

Natatawang isinagot ni Jose sa naturang segment na "Tarantanong" ang magka-Ozawa, na apelido ng kaniyang ex-girlfriend na Japanese celebrity na si Maria Ozawa.

Nang tanungin ang celebrity chef kung bakit iyon ang pinili niya, sagot ni Jose, "Siyempre si Maria is very special sa akin. May pinagdadanan kami ngayon, na-news na siguro yung nangyari. Pero ang importante diyan, friends pa rin kami."

Pahabol na tanong ng host na si Kuya Kim Atienza, na kung "may pinagdadaanan," posible pa raw kayang may patutunguhan pa ang kanilang relasyon.

"Yes. Actually it came out nung weekend. Natawa ako sa question kasi fresh na fresh yung news," ayon kay Jose.

Nang tanungin uli ni Kuya Kim si Jose kung wala pang "period" ang relasyon nila ni Maria, sabi ng celebrity chef, "To be honest ano na rin... we're moving on as friends." 

Kamakailan lang nang sabihin ni Jose na nag-break sila ni Maria noong Disyembre dahil hindi nila kinaya ang long distance relationship. 


--FRJ, GMA News