Nakagawa ang isang propesor sa Japan ng prototype lickable TV screen na manggagaya sa lasa ng pagkain.

Sa ulat ng Reuters, ang device na tinawag na Taste the TV (TTTV), ay gumagamit ng nakapaikot na 10 flavour canisters na nag-i-spray para malikha ang lasa ng isang partikular na pagkain.

"The flavour sample then rolls on hygienic film over a flat TV screen for the viewer to try," ayon sa report.

 

 

Sa panahon ngayon ng COVID-19 pandemic, sinabi ni Meiji University professor Homei Miyashita, na ang naturang teknolohiya ay makatutulong sa mga tao "to connect and interact  with the outside world."

"The goal is to make it possible for people to have the experience of something like eating at a restaurant on the other side of the world, even while staying at home," paliwanag niya.

Katuwang ni Miyashita ang isang team ng nasa 30 mag-aaral na nakalikha ng iba't ibang flavour-related devices.

Posibleng umanong umabot ang gastos sa commercial version ng TTTV ng 100,000 yen o katumbas ng $875.

Kabilang sa mga potential applications nito ay learning for sommeliers at cooking, tasting games at quizzes, ayon sa propesor.

Ipinakita ng mag-aaral na si Yuki Hou, sa mga mamamahayag ang pagbanggit niya sa TTTV na gusto niyang malasahan ang sweet chocolate.

Matapos ang ilang pagsubok, may lumabas na sa sample sa plastic sheet.

"It's kind of like milk chocolate," saad niya. "It's sweet like a chocolate sauce."

--Reuters/FRJ, GMA News