Nauwi sa seryosong usapan ang biruan nina Willie Revillame at tricycle driver na masuwerteng natawagan ng kaniyang programa habang namamasada sa Batangas.

Sa isang episode ng "Wowowin-Tutok To Win," hindi kaagad nakilala ng tricycle driver na si Kuya Wil ang kausap niya.

Kaya naman binuro siya ni Kuya Wil na dadaanan sa tulay para mag-inuman sila.

Pero nang malaman na ni Kuya Wil na mayroong leukemia at nagpapa-chemo ang batang anak ng tricycle driver, naging seryoso na ang kanilang usapan.

Kaya  bukod sa perang handog, may ibinigay pa si Kuya Wil sa tricycle driver para makatulong sa pagpapagamot ng kaniyang anak.

Panoorin sa video ang buong kuwento.

--FRJ, GMA News