Inihayag ng Kapuso actress na si Kiray Celis ang pagkondena sa body shaming o panlalait sa pangangatawan ng tao.
Sa Instagram, nag-post si Kiray ng sexy photo niya na naka-bikini sa pool.
"Itigil niyo na yung BODY SHAMING. for sure hindi mo rin gusto makakita or makarinig ng hindi magandang comment tungkol sa katawan mo," saad niya sa caption.
“Kaya tigilan mo yang PANLALAIT MO. Maging proud tayo kung ano at sino tayo. CONFIDENCE IS THE KEY TO SUCCESS! Hehehe,” patuloy niya.
May iba't ibang bersiyon ang naturang larawan na black and white na ginamitan niya ng filter.
"Epal ko daw sabi ng jowa ko kaya blinack and white ko," dagdag niya.
Dati nang nagpo-post si Kiray sa Instagram ng mga larawan niyang naka-bikini na nagpapatunay na wala siyang ikinakahiya sa kaniyang katawan.
Sa isa pa niyang post, sinabi ni Kiray na; "There will be haters. There will be doubters. There will be non-believers. And then, there will be you, proving them wrong."
"Kiss po para sa lahat ng bashers! masaya ako para sainyo. Kaya magpopost pako ng lahat ng gusto ko. Kasi Gusto ko, happy kayo. HAHAHAHAHA," anang aktres.
Ilan pang celebrities na nagsalita rin laban sa body shaming tulad nina Michele Gumabao, Kris Bernal, at Billie Eilish.—FRJ, GMA News