Hindi lang pang-inom, kundi gagawin na ring panligo ang beer sa isang spa na nakatakdang magbukas sa Brussels, Belgium.
Sa ulat ni Darlene Cay sa GMA News "Unang Balita" nitong Biyernes, sinabing ito ang alok ng Good Beer Spa na magbubukas sa Hunyo.
Sa isinagawag trial ng spa, ipinakita ang paghahalo ng hops, yeast, malt at beer, na ibubuhos sa jakuzi.
May 45 minuto ang kostumer para maligo sa beer sa spa room.
Para naman sa mga gustong uminom, mayroon ding dispenser ang beer sa loob ng spa.
Sinabi ng mga may-ari ng spa na una nila itong nakita at nasubukan sa Prague sa Czech Republic kaya naisip nilang dalhin ito sa Belgium.
Ayon sa isang sumubok sa spa, pakiramdam niya ay bumata siya.
"I heard that it really rejuvinates the skin. So who knows, it might make me 10 years younger. And I also like the smell, it's very natural. I feel very much in the nature," sabi ng customer na si Aleksandra Tarchini.
Ngunit paliwanag ng isang dermatologist, wala itong epekto sa balat.
"That concentration is extremely low. So if you then go sitting in the mixture of way below the concentration, it does nothing for the skin," sabi ng dermatologist na si Vera Rogier.--Jamil Santos/FRJ, GMA News