Humanga at naantig ang damdamin ng mga netizen sa nag-viral na larawan ng improvised kiddie pool na ginawa ng isang lolo sa Cagayan Valley sa pamamagitan ng mga puno ng saging at mga gamit na tarpaulin.
Ayon sa uploader ng litrato na si Red-gelo Agbayani, isang karpintero ang gumawa ng "pool" para sa kaniyang apo na si lolo Edgar Guiyab Paet.
Mula sa mahirap na pamilya sina lolo Edgar, na benepisyaryo ng Pantawid Pamilyang Pilipino Program.
DIY SWIMMING POOL NI LOLO! ?????????????? TINGNAN: Nag-viral ang isang karpintero sa Cagayan Valley matapos gumawa ng...
Posted by GMA News on Thursday, April 29, 2021
Pero sa kabila ng kanilang kalagayan sa buhay, gumawa ng paraan si lolo Edgar upang mapagbigyan ang hiling ng apo na si Princess na magkaroon ng kiddie swimming pool.
Matapos mag-viral ang larawan, may nagbigay ng tulong at nagpadala ng tunay na inflatable pool para kina lolo Edgar at sa kaniyang apong Princess nitong Martes.
“Uray anya rigat ti byag nu para ti pamilyak, nangnangrunak iti apok, aramidik amin nga makakayak (kahit anong hirap ng buhay kung para sa pamilya ko, lalo na para sa apo ko, gagawin ko lahat ng makakaya ko)," sabi ni lolo Edgar nang makausap ni Agbayani.--FRJ, GMA News