Laking gulat ng mga residente sa isang barangay sa Molo, Iloilo nang bigla nilang mapansin na may humalong krudo sa tubig na kinukuha dito.

Sa nakaraang episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," makikita na pumapailalim ang tubig na mula sa balon, habang umiibaw naman ang nakahalong krudo.

Kaya ang mga may kailangan ng krudo tulad ng isang jeepney driver, sinasala na lang o inihihiwalay ang krudo sa tubig na ginamit niyang diesel sa kaniyang ipinapasadang jeep.

Anim na dekada na raw pinapakinabangan ng mga residente sa lugar ang balon kaya wala silang maisip na pinanggagalingan ng krudo.

Nitong nakaraang Disyembre, napansin na lang daw nila na may kakaibang amoy sa tubig at nag-iba ang kulay nito.

At nang silaban nila ang gamit na inilublob sa tubig, nagliyab ito.

Pero papaano nga ba nangyari na nagkaroon ng krudo sa balon? Mayroon nga kayang mina ng langis sa lugar o mayroon lang tangke ng langis na tumagas at napunta sa balon? Alamin ang kasagutan sa video na ito ng "KMJS."


--FRJ, GMA News