Kaagad na nilinaw ni Maine Mendoza na hindi siya ang babae sa kumakalat na video scandal sa internet.
Ginawa ng aktres ang paglilinaw matapos na may netizen na mag-share screenshot ng naturang sex scandal sa Twitter nitong December 22, 2020.
“Paki report please!!! Protect Maine Mendoza at all costs #MaineMendoza #ALDUBatADNHeartsAtPeace,” sabi ng netizen.
Nagkomento naman si Maine sa naturang post: “Wtf???? Sobrang kamukha ko kinilabutan ako pero hindi ako to!”
Naglabas naman ng pahayag ang manager ni manager ni Rams David, at sinabing peke ang naturang sex video at minanipula o enedit gamit ang deepfake technology.
Nakiusap din ang management ni Maine na All Access To Artist na huwag nang i-post, i-share o ipakalat pa ang video.
— Rams David (@ramsdavid) December 23, 2020
“We will not hesitate to take appropriate legal action against any person circulating the the same,” babala pa nila.
Pinaalalahanan din ng management ang publiko na maging mapanuri sa mga nakikita sa internet, at tumulong na alisin ang mga laman na nakapapanira sa mga tao.
“We are grateful for your continued trust and support for Ms. Mendoza,” anang management ni Maine.
“Rest assured that we are taking all necessary steps to hold the individuals involved accountable and we are coordinating with the proper government agencies to remove this content online permanently,” dagdag nila. --FRJ, GMA News