Napanatili ng bagyong "Marce" ang kaniyang lakas pero mabagal ang pagkilos habang patuloy na nagbabanta sa northern Cagayan at Babuyan Islands, ayon sa PAGASA.
Batay sa 10 p.m. cyclone bulletin, inihayag ng PAGASA na namataan si Marce sa layong 240 kilometers east ng Aparri, Cagayan taglay ang pinakamalakas na hangin na 155 kph, at pagbugso na hanggang 190 kph.
Mabagal ang pagkilos nito sa 10 kph pa-west northwestward sa bilis na 10 kph.
Nakataas ang Signal no. 3 sa sumusunod na mga lugar:
- The northern and central portions of mainland Cagayan (Santa Ana, Gonzaga, Lal-Lo, Santa Teresita, Buguey, Aparri, Camalaniugan, Allacapan, Gattaran, Lasam, Ballesteros, Baggao, Alcala, Santo Niño, Rizal, Abulug, Pamplona, Sanchez-Mira, Claveria, Santa Praxedes) including Babuyan Islands
- the eastern portion of Apayao (Flora, Santa Marcela, Luna, Pudtol)
Nakataas naman ang Signal no. 2 sa mga lugar ng:
- Batanes
- the rest of mainland Cagayan
- the northern and central portions of Isabela (San Pablo, Santa Maria, Divilacan, Tumauini, Maconacon, Cabagan, Santo Tomas, Quezon, Palanan, Ilagan City, Mallig, Delfin Albano, Quirino, San Mariano, Gamu, Roxas, Naguilian, Burgos, Reina Mercedes, Benito Soliven, Luna, Aurora, San Manuel)
- the rest of Apayao
- Abra
- Kalinga
- the eastern and central portions of Mountain Province (Paracelis, Natonin, Barlig, Sadanga)
- Ilocos Norte
- the northern portion of Ilocos Sur (Sinait, Cabugao, San Juan, Magsingal, Santo Domingo, Bantay, San Ildefonso, San Vicente, Santa Catalina, City of Vigan, Narvacan, Caoayan, Santa, Nagbukel, Santa Maria, San Esteban, Santiago, Burgos, Banayoyo, Lidlidda, San Emilio)
Umiiral naman ang Signal no. 1 sa mga lugar ng:
- the rest of Ilocos Sur
- La Union
- the northern portion of Pangasinan (Bani, Bolinao, Anda, City of Alaminos, Agno, Sual, Labrador, Burgos, Mabini, Lingayen, Binmaley, Dagupan City, Mangaldan, San Fabian, San Jacinto, Pozorrubio, Sison, San Manuel, San Nicolas, Natividad, San Quintin, Tayug, Santa Maria, Binalonan, Asingan, Laoac, Manaoag, Mapandan, Santa Barbara, Calasiao, City of Urdaneta)
- the rest of Mountain Province
- Ifugao
- Benguet
- the rest of Isabela
- Quirino
- Nueva Vizcaya
- the northern portion and central portions of Aurora (Dilasag, Casiguran, Dinalungan, Dipaculao, Maria Aurora, Baler)
- the northern portion of Nueva Ecija (Carranglan)
Hindi inaalis ng PAGASA ang posibilidad na umabot sa Signal no. 4 ang babala tungkol sa lakas ng bagyo.
Inaasahang na magpapatuloy ang mabagal na paggalaw si Marce pa-silangan ng Cagayan sa Miyerkules ng gabi, at unti-unting bibilis sa pagdaan sa Babuyan Channel at hilagang bahagi ng West Philippine Sea mula sa Huwebes hanggang sa Sabado.
Inaasaahang tatama si Marce sa kalupaan malapit sa Babuyan Islands at/o hilagang bahagi ng mainland Cagayan, Ilocos Norte, at Apayao mula sa Huwebes ng hapon hanggang madaling araw ng Biyernes, bago ito tuluyang lalabas PAR sa Biyernes ng gabi.
“Marce may have reached its peak intensity. Slight weakening is expected due to possible interaction with the terrain of mainland Luzon during the landfall or close approach of Marce,” ayon sa PAGASA.—mula sa ulat ni Jiselle Anne Casucian/FRJ, GMA Integrated News