Mayroon nga bang himalang nangyari sa isang beki sa Negros Occidental na sinasabing nabuntis ng anak ng kaniyang kaibigan?
Sa episode ng "Kapuso Mo, Jessica Soho," sinabi ng beshie na itinago sa pangalang "Chris," na nitong nakaraang Hunyo nang may naramdaman siyang kakaiba sa kaniyang tiyan.
Pagkaraan pa ng ilang linggo, patuloy daw na lumalaki ang kaniyang tiyan at parang may gumagalaw.
Sinubukan naman daw ni Chris na magpatingin sa duktor pero hindi naman siya pinapaniwalaan daw isa nga siyang beki.
Kaya naman sa komadrona na lang daw siya nagpatingin ay sinabing may sanggol nga sa kaniyang sinapupunan na ngayon ay anim na buwan na.
Ayon kay Chris, dati na raw siyang nagkaroong "regla" at hindi raw ito ang unang pagkakataon na nakaramdam siya ng "pagbubuntis."
Pero noon una siyang nakaramdam ng paglaki ng tiyan, naglaro raw siya ng volleyball nang walang tigil hanggang sa may lumabas sa kaniyang buong dugo.
At ngayon, tulad daw ng isang buntis, nakararamdam din umano siya ng pagkahilo, at paglilihi, na pininiwalaan din ng kaniyang kaibigan na itinago sa pangalang "Lily."
Nang tanungin kung sino ang "nakabuntis" sa kaniya, ipinagtapat ni Chris na ito ay ang anak mismo ni Lily.
Para malaman kung talaga buntis si Chris, isinailalim siya sa 5D ultrasound. Alamin ang kanilang natuklasan sa video na ito ng "KMJS."-- FRJ, GMA News