Habang patuloy na pinagtalunan kung totoo ba ang mga alien o mga nilalang sa ibang planeta, ang isang grupo ng mga rider sa Davao City, sinasabing may nahuli-cam na pinaniniwalaang UFO o unidentified flying object.
Kamakailan lang, pinag-usapan ng netizens ang pahayag ng dating pinuno ng Israeli Space Agency tungkol sa umano'y palihim na nakikipag-ugnayan sa mga gobyerno ng Amerika at Israel ang mga "alien."
READ: Mga alien, sikretong nakikipag-ugnayan sa gobyerno ng Amerika at Israel?
Minsan na rin naitampok sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang isang lugar sa Quezon na sinasabing pahingahan ng mga UFO.
Katunayan, ilang beses na raw na may nakitang UFO sa naturang lugar.
At nitong nakaraang Oktubre lang, isang grupo ng mga rider na nagpapahinga sa isang overlooking na lugar ang sinasabing may nahagip sa larawan at video na pinaniniwalaan na UFO.
Pero UFO nga ba ito ng repleksiyon lang ng ilaw? Panoorin ang video na ito ng "KMJS."
--FRJ, GMA News