Marami ang naaaliw sa mga manika, pero marami rin ang natatakot dahil sa paniwalang maaari itong sapian ng masamang espiritu. Ganito nga kaya ang nangyari sa isang lumang manika sa Misamis Occidental na sinasabing may sariling buhay?
Kuwento ni Marted Gran Serino, matagal na raw sa kanilang pamilya ang manikang pinangalanang Bita. Naging saksi raw ito sa masasaya at malulungkot na araw sa kanilang pamilya, at maging sa mga trahediya.
Pero kung noon ay kagigiliwan at masarap paglaruan si Bita dahil sa kagandahan nito, ngayon, nakakatakot na ang kaniyang anyo dahil sa kalumaan.
Hanggang sa magparamdam na umano si Bita at basta na lang nakikita sa ibang lugar ng bahay kahit hindi naman hinahawakan.
Bukod dito, may iba pa raw na nakapapangilabot na dala ang manika. Alamin ang buong kuwento sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho."
--FRJ, GMA News