Totoo nga kaya o kuwentong kutsero lang na noong dekado 70's ay kinatatakutan umano ng mga taga-Mexico, Pampanga ang paglitaw sa gabi ng isang misteryosong kabayo na may hila-hilang karo. Sa sandaling magparamdam umano ito, mayroon daw mamamatay sa lugar.

Ang isang ginang, ikinuwento sa "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang karanasan nang magparamdam sa kaniya ang naturang kabayo at isang kapitbahay niya ang pumanaw kinalaunan dahil sa aksidente.

Ang isang kapitan naman ng barangay, muli raw nararamdaman ang matandang paniniwala tungkol sa kabayong may hinihilang karo nang minsan nagroronda sila.

Ano nga ba ang katotohanan sa kuwentong ito at ano ang dapat gawin sa sandaling may maramdaman na pahiwatig sa pagdating ng misteryosong kabayong itim upang walang magbuwis ng buhay?  Panoorin ang video na ito ng "KMJS."

--FRJ, GMA News