Isang pet shop sa Singapore ang nag-aalok ng 30 uri ng mga langgam na puwedeng alagaan o gawing pet. Ang presyo ng mga ito, puwedeng umabot hanggang sa $200.

Sa ulat ng Reuters, sinabing nais ng may-ari ng shop na "Just Ants," na baguhin ang negatibong pagtingin ng mga tao sa mga langgam.

Kung sa tingin ng iba ay peste ang mga langgam, sinabi ng negosyanteng si John Ye, na silbi at misyon sa ecosystem ang maliliit na insekto.

"I'm trying to change the misconception, and educate," sabi ni Ye.

"You know, young people, children, that actually ants are very enriching. They are so important in the ecosystem, they are actually here for a reason, and then if we could actually just learn from the humble ant, there are so many things that the ant could teach us, like perseverance, being headstrong," patuloy niya.
Para kay Ye, kahanga-hanga ang mga katangian ng mga langgam.

 

 

Nakukuha raw ni Ye ang mga langgam sa mga isla.

Mayroong 30 uri ng langgam sa shop at umaabot ang halaga nito hanggang $200.
Dinadagsa naman ang ant-lovers at mga nag-uusisa ang naturang shop na may kakaibang ibinebentang alaga.

"It's crazy, definitely it's crazy. If you told me that somebody loves it so much, I mean, maybe, it's a (special) trait to them," ayon sa residenteng si Alvin Teng. --Reuters/FRJ, GMA News