Dahil kinakailangang magsuot ng face mask ngayong may COVID-19 pandemic, ilan sa mga tao ang nagkakaroon ng "maskne" o acne na dulot ng face mask. Bakit nga ba nagkakaroon nito at ano ang maaaring gawin para ito maiiwasan?

Sa "Pinoy MD," ipinaliwanag ni Dr. Jean Marquez na ang "maskne" ay isang uri ng mechanical acne na dulot ng irritation ng balat.

Maaaring makuha ang "maskne" kapag magaspang ang isinusuot na face mask at nakakaskas nito ang balat na nagdudulot ng inflammation.

Kapag may inflammation, hindi na nakakalabas ang oil sa mukha na nagreresulta ng acne breakout.

Isa pang sanhi ng maskne ang pagkulob ng moisture sa balat sa tuwing nagsusuot ng mask, kung saan nakukulong ang oil, pawis at dumi.

Maaari pang dumami ang bacteria sa mukha kapag humid ang kapaligiran.

Posible ring magdulot ng maskne ang hormonal imbalance sa mga tao dulot ng stress sa panahon ng pandemya, pati na rin ang pagkain ng mga matatamis.

Alamin ang mga rekomendasyon para maiwasan ang maskne, lalo na ang tamang pagpili ng mask. Panoorin.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News