Tatlong mahahabang oarfish ang nakita ng mga mangingisda at mga residente sa magkakahiwalay na lugar sa Agusan at Norte at Misamis Oriental.
Sa ulat ni Tek Ocampo sa GMA Regional TV "One Mindanao" nitong Miyerkules, sinabi ang isang dambuhalang oarfish ay nakuha ng mga mangingisda sa Carmen, Agusan del Norte.
Sa baybayan naman ng Buenavista, Agusan del Norte nakita ng mga residente ang isa pang mahabang oarfish, habang sa Gingoog, Misamis Oriental naman ang isa pa.
Pangamba ng ilang residente, baka may dalang signos o masamang balita ang paglitaw ng mga oarfish.
Pero paliwanag naman ng iba, posibleng nabulabog lamang sa kanilang tirahan sa malalim na bahagi ng dagat ang mga isda kaya sila lumutang. --FRJ, GMA News