Dinagsa ng reklamo ang Manila Electric Co. (Meralco) mula sa kanilang mga konsumer dahil sa sobrang taas ng kanilang sinisingil para sa buwan ng Mayo gayung hindi naman sila nagsagawa meter reading dahil sa umiiral na enhanced community quarantine. Ano nga ba ang naging basehan nila? Alamin.
Ayon kay Joe Zaldarriaga, tagapagsalita ng Meralco, ang konsumo sa Mayo ay batay umano sa "full ECQ impact," kumpara sa billing ng Marso at Abril na batay lang sa "average consumption."
"The March and April bills were based on the previous 3 months consumption per the ERC advisory, before ECQ where consumption was much lower," saad niya sa mobile message nitong Huwebes.
"However what was billed in May will be the actual of May which reflects full ECQ impact (people are on lockdown and consume more) plus the adjustments from March and April thus the higher actual consumption as reflected in the bills," patuloy niya.
Isinailalim ang ECQ ang Metro Manila at iba pang "high-risk areas" na siniserbisyuhan ng Meralco simula pa noong Marso 17.
Dahil sa ECQ, hindi nagsagawa ng meter reading ang Meralco.
Ibinase na lang umano ang konsumo ng konsumer sa nakalipas na tatlong buwan.
Halimbawa, ang konsumo o singil nitong Marso ay batay sa konsumo ng kuryente ng isang kostumer sa mga buwan ng Disyembre, Enero at Pebrero.
Sa Facebook page ng Meralco, nakasaad din ang paliwanag tungkol sa kanilang singil ngayong Mayo. Karamihan sa mahigit 10,000 komento sa post ay nagtatanong at reklamo sa mataas na sinisingil ng Meralco.
Sabi sa post: "Maaaring mas mataas ang bill mo ngayong buwan. These are the possible reasons:
"Para sa mga areas na pwede nang basahan ng meter readers, reflected na ang actual consumption sa May bill, plus adjustments on the March and April bills. Remember, lahat ng April bills at ilang March bills ay estimated based on average consumption for the past 3 months dahil sa #ECQ and in accordance to Distribution Services and Open Access Rules" or DSOAR issued by the ERC.
Maaaring mas mataas din ang konsumo natin ngayon dahil during ECQ, naging #NewNormal ang staying and working from home, at sinamahan pa ng summer. Kaya mas madalas ang pag gamit ng TV, computer, electric fan, aircon, at ref.
For unpaid balances from bills due within ECQ period (March 1 to May 15), pwede mo itong bayaran in 4 monthly installments. Makikita ang 1st installment sa mga May 16 bill dates onwards na sisimulang ipadala ng May 18."
Nagbigay din sila ng "link" para mas detalyadong paliwanag tungkol sa bayarin.
--FRJ, GMA News