Maliban sa blood pressure, isa rin sa mga dapat bantayan sa ating kalusugan ang antas ng uric acid sa katawan. Ano-ano nga ba ang sintomas ng mataas na uric acid at ano ang puwedeng gawin para ito maiwasan? Alamin sa video na ito ng "Pinoy MD."

Click here for more GMA Public Affairs videos

Kapag nakakaedad na, kailangang bantayan na ang mga kinakain at upang hindi tumaas ang presyon ng dugo at ang uric acid.

Ilan sa mga pagkain na dapat iwasan ang mga lamang-loob, matatabang pagkain, at ilang uri ng lamang-dagat.

Ang uric acid  ay purine compound na mala-kristal na namumuno sa katawan.

Kapag sumobra na umano ang purine, hindi na ito nasasala ng bato o kidney kaya tumataas ang acid level na nagdudulot ng pananakit sa ilang parte ng katawan.

Para makontrol ang presyon ng dugo at uric acid, malaking bagay umano ang pag-inom ng tubig, regular na ehersisyo at tamang pagkain. Ugaliin din ang regular na pagkonsulta sa doktor para mamonitor ang kalusugan-- FRJ, GMA News