Halos sagasaan na ng isang motorista ang traffic enforcer na sumita at humarang sa kaniyang sasakyan  sa Davao City.

Sa ulat ni  Jandi Esteban ng GMA Regional TV sa GMA News Saksi nitong Lunes, nahuli-cam ang pagtuloy na pag-usad ng kotse kahit pa nasa harapan ng kaniyang sasakyan ang enforcer.

Isang security guard ang tutulong na sana sa enforcer pero nakakuha ng tiyempo ang motorista at humarurot ang sasakyan nito palayo.

Ayon sa traffic enforcer, titiketan sana niya ang motorista dahil sa traffic violation na illegal turn noong Sabado.

Pero hindi raw ito tumigil ang motorista kaya hinabol ng enforcer sakay ng motorisko hanggang sa abutan niya at harangin sana.

Inireport na ng traffic enforcer sa pulisya ang insidente at handa umano niyang sampahan ng reklamo ang driver nito.

“May coordination na tayo with the Land Transportation Office para ma-isyuhan ng subpoena ang registered owner ng sedan. Actually, ang enforcer, may injury ang ating CTTMO enforcer, and they are planning to revoke the driver’s license po ng driver,” ayon kay Davao City Police Office spokesperson Police Captain Hazel Caballero Tuazon.-- FRJ, GMA Integrated News