Bukod sa mga basurang mapanganib sa kalikasan, mayroon ding mga basurang mapanganib sa kalusugan ng mga tao na tinatawag na hospital waste. Saan nga ba napupunta ang mga ito?
Sa dokumentaryo ni Kara David na “Hospital Waste” sa Kara Docs, ipinakilala si Christopher Calapati, na nagtatrabaho bilang crew ng isang pribadong kompanya, na tagakolekta ng mga basura sa mga ospital.
Kabilang sa mga basura na nakokolekta sa mga ospital ang mga gamit nang face masks, gloves at syringe, na inilalagay sa mga dilaw na plastic na nangangahulugang “hazardous materials” ang mga ito.
Kasama rim sa mga hazardous waste ang pathological waste, o mga bahagi na galing sa katawan ng tao, kanilang likido, o placenta.
Dahil sa araw-araw na niya itong ginagawa, sanay na si Calapati na nakakikita ng mga parte ng katawan ng tao.
“Ayan po nga ‘yung talagang makikita mo ‘yung paa. Nilalagay namin sa drum para balutan, para hindi makaperhuwisyo. Sanay na po. Yan po ang pinasok naming trabaho,” sabi ni Calapati.
Base sa tala ng World Health Organization, higit kumulang 55,749 tonelada ng mga infectious waste ang naiipon ng Pilipinas noong 2018.
Sa ulat naman ng DENR-EMB Online Hazardous Waste Management System, nagresulta ang krisis na ito ng 480 porsyentong pagtaas ng hazardous and infectious waste generation mula Hunyo 2020 hanggang Disyembre 2021.
Base pa rito, taong 2021 naman nang higit kumulang 234,000 metric tons ng healthcare waste ang naipon, o aabot sa higit kumulang 6,000 na mga trak.
Kadalasang dinadala ang mga hazardous waste sa Kalangitan landfill sa Tarlac.
Basahin: Garbage 'crisis' looms amid closure of country's largest landfill in Tarlac
Ngunit sa pangambang tuluyan itong isasara ngayong Oktubre, saan na nga ba maaaring dalhin ang mga basurang kinukolekta nina Calapati?
Panoorin ang kabuuan ng dokumentaryo ni Kara na “Hospital Waste,” at alamin kung papaano kinokolekta ang mga basura mula sa mga ospital. --FRJ, GMA Integrated News