Laking gulat daw ng mag-asawang Cheska at Doug Kramer nang dumating at makita ang kauna-unahang bayarin nila sa kuryente sa bago nilang dream house na umabot sa P79,000.
Kaya naman naisipan na nilang magpalagay ng solar panel at nagsimula na raw bumaba ang konsumo nila sa kuryente na nasa kalahati ang nabawas.
Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" kung papaano nga ba nagiging alternatibong pagkukunan ng kuryente ang solar panel lalo na ngayong sinasabing manipis ang suplay ng enerhiya kaya posibleng magka-blackout.
Alamin din kung magkano ang posibleng gastusin sa paglalagay ng solar panel sa bahay, maging ang naimbentong generator na solar powered din na puwedeng gamitin sa panahon ng emergency. Panoorin.
--FRJ, GMA News