May mga parte sa Mindanao na bahagi ng tradisyon ang pagpapahintulot na ikasal ang mga batang babae sa lalaking may edad.
Gaya ng nangyaring kasalan kamakailan sa Maguindanao na ang lalaki, 42-anyos habang ang kaniyang naging asawa, 13-anyos lang.
Bakit nga ba ito pinapayagan at ano ang nagtulak sa mga magulang ng batang babae na maikasal sa mas may edad na lalaki ang kanilang anak?
Tunghayan sa video na ito ng "Kapuso Mo, Jessica Soho" ang naturang tradisyon at panayam sa bagong kasal tungkol sa magiging responsibilidad nila sa isa't-isa. Panoorin.
--FRJ, GMA News