Hindi artista ang mag-asawang duktor na sina Willie Ong at Liza Ramoso-Ong pero talo pa nila ang ibang artista sa dami ng mga followers at subscribers sa Facebook at Youtube na umaabot sa milyon-milyon.
Umabot na sa mahigit 2,000 ang kanilang video entry tungkol sa mga payong medikal at tips na pangkalusugan. Ilan sa mga patok nilang video ay tungkol sa impormasyon kung ano ang dapat gawin matapos na makipatalik, paano mapapaputi ang kilikili at pagtugon sa ilang sintomas ng COVID-19.
Pero bakit nga ba naisipan ng mag-asawa ang gumawa ng vlog tungkol sa mga isyung pangkalusugan, at papaano nila ginagawa ang mga video na kanilang inia-upload?
Tunghayan ang kanilang kuwento sa video na ito ng "Brigada", at ang pananaw ni Doc Willie sa kaniyang pagtakbo at pagkatalo bilang senador nitong nakaraang eleksiyon. Panoorin.
--FRJ, GMA News