Hindi man niya kilala o kamag-anak, inalok ni Kim ang palaboy na si Lolo Mario na tumira na lamang noon sa kaniyang tinutuluyang kuwarto. Pero nang magkaroon ng pandemya, napilitan silang sumilong sa isang jeep.
Kabilang si Kim sa libu-libong manggagawa na nawalan ng kabuhayan na napilitang umalis sa kanilang inuupahan dahil wala nang pambayad sa renta.
Upang may masilungan, nakiusap sila sa may-ari ng isang nakaparadang jeepney na hindi na nakakapasada upang doon mula sila tumira ni Lolo Mario.
Dahil na-stroke si Lolo Mario, sa ibaba na lang jeep siya naliligo sa tulong din ni Kim.
At dahil din sa kawalan ng pera, hindi raw niya mabili ang gamot ng matanda.
Tunghayan ang kuwento nina Kim, na ilan lamang sa maraming kababayan natin ngayon na nawalan ng tirahan, at bakit ganun na lang ang malasakit niya kay Lolo Mario kahit hindi naman niya kadugo? Panoorin ang video na ito ng "Front Row."
--FRJ, GMA News