Malakas makabawas ng pogi at ganda points ang pagkakaroon ng oily face. Kaya naman ang iba, kung anu-anong paraan na ang sinusubukan para mawala ang pagmamantika ng mukha. Ano nga ba ang dahilan ng oily skin at papaano ito malulunasan?
Sa programang "Pinoy MD," inilahad nina Stephanie at Nicko ang challenges ng pagkakaroon ng mamantikang mukha.
Si Step, kinakailangan daw mag-makeup nang makapal para takpan ang pagmamantika ng kaniyang mukha. Iyon nga lang, pagkalipas lang ng ilang oras ay mahuhulas na ang makeup ang magiging sentro na naman siya ng kantiyawan.
Ganito rin ang nararanasan ni Nicko na tinutukso raw ng mga kaibigan na puwede nang pagprituhan ang mukha sa dami kasi ng mantika.
Sa mga ganitong sitwasyon, hindi nila maiwasan na mabawasan o mawala ang kompiyansa sa sarili.
Ano nga ba ang mga paraan upang malunasan ang oily skin at totoo nga bang epektibo ang paggamit ng kalamansi at sabong panlaba sa mukha? Panoorin sa video ang payo ng eksperto sa balat.
--FRJ, GMA News