Bago pa man magkaroon ng pandemyang dulot ng COVID-19, marami nang manggagawa ang nagbibisikleta patungo sa kani-kanilang trabaho. Ngayon, mas nakikita ang pangangailangan ng pagbibisikleta dahil sa limitado at peligro ng hawahan ng virus sa mga pampublikong transportasyon.

Ang manggagawang si Frank Samaniego, 14 na taon nang pumapadiyak mula Rizal hanggang Guadalupe, Makati kapag pumapasok sa trabaho.

Aniya, bukod sa nakakatipid siya sa pamasahe, mas mabilis ang kaniyang biyahe at nakapag-e-ehersisyo pa.

Pero nang wala pa ang pandemic, hindi raw masyadong nabibigyan ng pansin ang mga katulad niyang nagba-bike to work kaya walang maayos na bike lane sa kaniyang mga nadadaanan upang mas maging ligtas ang kanilang paglalakbay.

Ngayong nakita na ang pangangailangan sa mga bisikleta, ano kaya ang mga dapat gawin ng pamahalaan upang mapangalagaan ang mga siklista? Panoorin sa video na ito ng "Imbestigador: Special Investigative Report" ni Mike Enriquez.

--Jamil Santos/FRJ, GMA News