Mayroong pag-aaral ang Harvard Medical School na nagsasabing posibleng August 2019 pa lang ay kumakalat na ang SARS-CoV-2 o ang virus ng COVID-19 sa China. Sa mga naunang ulat kasi, nakasaad na nagsimulang kumalat ang virus sa Wuhan City, China noong Disyembre.

Ang basehan ng obserbasyon ng Harvard Medical School ay batay umano sa pagdami ng hospital visits mula August 2019 hanggang December 2019 na naobserbahan sa 111 satellite images mula sa anim ng parking lot ng ospital sa Wuhan.

May mga nagdududa rin sa tunay na dami ng mga Chinese na tinamaan ng virus at bilang ng mga nasawi. May nakapansin kasi ang paglaho ng mahigit 21 milyon mobile subscription sa China mula Enero at Pebrero, at hinihinalang may kinalaman dito ang bilang ng mga nasawi sa virus.

Gayunman, iba paliwanag ng isang mobile company sa China tungkol sa pagkawala ng milyong-milyong mobile subscribers. Tunghayan sa video na ito ng "Stand for Truth" ang buong pagtakay tungkol sa nasabing usaping. Panoorin.

--FRJ, GMA News